Kohaku Uta Gassen
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Kohaku Uta Gassen (紅白歌合戦) | |
---|---|
![]() Logo para sa ika-57 edisyon ng Kohaku |
|
Genre | musical |
Pinangungunahan | iba't ibang host bawat taon |
Bansang pinagmulan | Hapon |
Wika | Nippongo |
Bilang ng mga kabanata | 57 |
Production | |
Camera setup | Multi-camera setup |
Running time | 4 na oras at 25 minuto [alas-7:20 ng gabi hanggang alas-11:45 ng gabi] |
Broadcast | |
Orihinal na channel | NHK |
Picture format | HDTV 720i (Super HiVision sa mga malalaking tabing sa NHK Fureai Hall at NHK Osaka) |
Audio format | stereo |
Original run | Enero 3, 1951 – kasalukuyan, kada ika-31 ng Disyembre |
Links | |
[[1] Opisyal na websayt] |
Ang Kohaku Uta Gassen(紅白歌合戦) o mas kilala sa tawag ng "Kohaku", ay isang taunang pang-musikang palabas sa radyo at telebisyon ng NHK sa Hapon. Nagtatapos ito 15 minuto bago sumapit ang Bagong Taon upang lumipat naman sa pambansang coverage ng mga pagsalubong sa Bagong Taon sa buong Hapon. Sa literal na kahulugan nitong "Pula at Puti Tagisan ng Pag-awit", nahahati ang programa sa dalawang grupo ng mga pinakasikat na mangaawit. Ang grupong Pula o akagumi, para sa mga babae. At ang grupong Puti o shirogumi, para sa mga lalake. Magtatagisan ngayon ang dalawang grupo sa pag-awit. Ang karangalan na makapagtanghal sa Kohaku ay sa pamamagitan lamang ng imbitasyon kaya't ang mga pinakasikat at mga pinakamatagumpay na mga J-Pop at enka na mangaawit lamang ang maaring magtanghal. Bukod sa mismong pag-awit sa entablado, mahalaga rin ang buhok, ang damit na suot, ang make-up, ang pagsayaw at mga ilaw.
Mga nilalaman |
[baguhin] Proseso ng Pagpili ng mga Awitin
Pinipili ang mga mangaawit at mga awitin ng isang komite ng pagpili. Basehan nila ang benta ng record o album ng mangaawit at kung aangkop ba siya o ang kanyang awitin sa tema ng palabas.
Kasabay noon, nagsasagawa din sila ng mga sarbey sa maraming demographics sa kung sino at kung anong klaseng musika ang gustong marinig at makita ng iba't ibang klase ng tao. Ito at ang proseso ng pagpili ng mga awitin ang nagpapaliwanag kung paano napapagsama ang mga awitin at mangaawit ng J-Pop, enka at adult contemporary.
Magpahanggang sa ngayon, malaking karangalan sa buhay ng isang mangaawit ang makapagtanghal sa Kohaku kahit minsan dahil sa lawak ng nararating ng palabas at dagdag na magandang reputasyon.
[baguhin] Ang Palabas
Nang unang sumahimpapawid ang Kohaku sa radyo noong 1951, ang bawat pangkat ay may kakaunting magtatanghal lamang sa loob ng isang oras.
Simula noong 1989, manonood sa telebisyon ang mga tagapanood at makikinig sa radyo ang mga tagapakinig ng apat na oras sa may hindi bababa sa 25 mangaawit ang bawat pangkat.
Sa pagtatapos ng palabas, ang mga manonood sa NHK Hall, at mga panelistang hurado-mga kilalang personalidad na mayroon o walang kinalaman sa industriya ng musika-ang hahalal sa mananalong pangkat. Noon, binubuo ng bilang sa bawat ulo ang boto ng mga nanonood sa NHK Hall (ang NHK Hall na pinaggaganapan ng bawat Kohaku mula 1971, ay may kapasidad na 3,000). Isang boto ang katumbas nito.
Ngunit sa ika-54(2003) at sa ika-55(2004) mga edisyon, maari na ding bumoto ang mga manonood sa bahay sa pamamagitan ng ISDB-T (isang uri ng Digital TV broadcast), na nagsasagawa din ng kani-kaniyang headcount mula sa kani-kanilang tahanan. Sa ika-56(2005) na edisyon, puwede na ring bumoto gamit ang cellphone. Idinadagdag ang boto ng mga manonood sa tahanan at NHK Hall sa boto ng mga hurado. Panalo ang pangkat na may pinakamaraming boto.
Bukod sa mismong mga pagtatanghal, mayroon ding mga espesyal na pagtatanghal kung saan sama-samang ginagawa ng mga mang-aawit ang kanilang pagtatanghal, at ang tinatawag na "Ring Show" kung saan "nageehersisyo" sa pag-awit ang mga mangaawit.
[baguhin] Mga Resulta
Kōhaku bilang | Petsa | Host ng Pulang Pangkat | Host ng Puting Pangkat | Tagapamagitan | Resulta |
---|---|---|---|---|---|
1 | 3 Enero 1951 | Michiko Katō | Shuuichi Fujikura | Masaharu Tanabe | Puti |
2 | 3 Enero 1952 | Kiyoko Tange | Shuuichi Fujikura | Masaharu Tanabe | Puti |
3 | 2 Enero 1953 | Juka Honda | Teru Miyata | Masayori Shimura | Puti |
4 | 31 Disyembre 1953 | Takiko Mizunoe | Keizo Takahashi | Seigoro Kitade | Pula |
5 | 31 Disyembre 1954 | Natsue Fukuji | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Pula |
6 | 31 Disyembre 1955 | Teru Miyata | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Pula |
7 | 31 Disyembre 1956 | Teru Miyata | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Puti |
8 | 31 Disyembre 1957 | Takiko Mizunoe | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Pula |
9 | 31 Disyembre 1958 | Tetsuko Kuroyanagi | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Pula |
10 | 31 Disyembre 1959 | Meiko Nakamura | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Pula |
11 | 31 Disyembre 1960 | Meiko Nakamura | Keizo Takahashi | Shouzaburō Ishii | Puti |
12 | 31 Disyembre 1961 | Meiko Nakamura | Keizo Takahashi | Toshiaki Hosaka | Puti |
13 | 31 Disyembre 1962 | Mitsuko Mori | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Puti |
14 | 31 Disyembre 1963 | Eri Chiemi | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Pula |
15 | 31 Disyembre 1964 | Eri Chiemi | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Puti |
16 | 31 Disyembre 1965 | Michiko Hayashi | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Puti |
17 | 31 Disyembre 1966 | Peggy Hayama | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Pula |
18 | 31 Disyembre 1967 | Yumiko Kokonoe | Teru Miyata | Shouzaburō Ishii | Pula |
19 | 31 Disyembre 1968 | Kiyoko Suizenji | Kyu Sakamoto | Teru Miyata | Puti |
20 | 31 Disyembre 1969 | Yukari Ito | Kyu Sakamoto | Teru Miyata | Pula |
21 | 31 Disyembre 1970 | Hibari Misora | Teru Miyata | Shizuo Yamakawa | Pula |
22 | 31 Disyembre 1971 | Kiyoko Suizenji | Teru Miyata | Shizuo Yamakawa | Puti |
23 | 31 Disyembre 1972 | Naomi Sagara | Teru Miyata | Shizuo Yamakawa | Pula |
24 | 31 Disyembre 1973 | Kiyoko Suizenji | Teru Miyata | Shizuo Yamakawa | Pula |
25 | 31 Disyembre 1974 | Naomi Sagara | Shizuo Yamakawa | Masao Domon & Youzou Nakae | Pula |
26 | 31 Disyembre 1975 | Naomi Sagara | Shizuo Yamakawa | Hiroshi Aikawa | Puti |
27 | 31 Disyembre 1976 | Naomi Sagara | Shizuo Yamakawa | Hiroshi Aikawa | Pula |
28 | 31 Disyembre 1977 | Naomi Sagara | Shizuo Yamakawa | Hiroshi Aikawa | Puti |
29 | 31 Disyembre 1978 | Mitsuko Mori | Shizuo Yamakawa | Hiroshi Aikawa | Puti |
30 | 31 Disyembre 1979 | Kiyoko Suizenji | Shizuo Yamakawa | Youzou Nakae | Puti |
31 | 31 Disyembre 1980 | Tetsuko Kuroyanagi | Shizuo Yamakawa | Youzou Nakae | Pula |
32 | 31 Disyembe 1981 | Tetsuko Kuroyanagi | Shizuo Yamakawa | Keiichi Ubukata | Puti |
33 | 31 Disyembre 1982 | Tetsuko Kuroyanagi | Shizuo Yamakawa | Keiichi Ubukata | Pula |
34 | 31 Disyembre 1983 | Tetsuko Kuroyanagi | Kenji Suzuki | Tamori | Puti |
35 | 31 Disyembre 1984 | Mitsuko Mori | Kenji Suzuki | Keiichi Ubukata | Pula |
36 | 31 Disyembre 1985 | Masako Mori | Kenji Suzuki | Masaho Senda | Pula |
37 | 31 Disyembre 1986 | Yuki Saitō & Yoriko Mekata | Yuuzou Kayama & Masaho Senda | Seiichi Yoshikawa | Puti |
38 | 31 Disyembre 1987 | Akiko Wada | Yuuzou Kayama | Seiichi Yoshikawa | Pula |
39 | 31 Disyembre 1988 | Akiko Wada | Yuuzou Kayama | Keiko Sugiura | Puti |
40 | 31 Disyembre 1989 | Yoshiko Mita | Tetsuya Takeda | Sadatomo Matsudaira | Pula |
41 | 31 Disyembre 1990 | Yoshiko Mita | Toshiyuki Nishida | Sadatomo Matsudaira | Puti |
42 | 31 Disyembre 1991 | Yuuko Ayano | Masaaki Sakai | Shizuo Yamakawa | Pula |
43 | 31 Disyembre 1992 | Hikari Ishida | Masaaki Sakai | Shizuo Yamakawa | Puti |
44 | 31 Disyembre 1993 | Hikari Ishida | Masaaki Sakai | Miyuki Morita | Puti |
45 | 31 Disyembre 1994 | Emiko Kaminuma | Ichiro Furutachi | Yasuo Miyakawa | Pula |
46 | 31 Disyembre 1995 | Emiko Kaminuma | Ichiro Furutachi | Ryuuji Miyamoto & Mitsuyo Kusano | Puti |
47 | 31 Disyembre 1996 | Takako Matsu | Ichiro Furutachi | Ryuuji Miyamoto & Mitsuyo Kusano | Puti |
48 | 31 Disyembre 1997 | Akiko Wada | Masahiro Nakai | Ryuuji Miyamoto | Puti |
49 | 31 Disyembre 1998 | Junko Kubo | Masahiro Nakai | Ryuuji Miyamoto | Pula |
50 | 31 Disyembre 1999 | Junko Kubo | Nakamura Kankurō V | Ryuuji Miyamoto | Puti |
51 | 31 Disyembre 2000 | Junko Kubo | Motoya Izumi | Ryuuji Miyamoto | Pula |
52 | 31 Disyembre 2001 | Yumiko Udou | Wataru Abe | Tamio Miyake | Puti |
53 | 31 Disyembre 2002 | Yumiko Udou | Wataru Abe | Tamio Miyake | Pula |
54 | 31 Disyembre 2003 | Yumiko Udou & Takako Zenba | Wataru Abe & Tetsuya Takayama | Touko Takeuchi | Puti |
55 | 31 Disyembre 2004 | Fumie Ono | Wataru Abe | Masaaki Horio | Pula |
56 | 31 Disyembre 2005 | Mino Monta, Motoyo Yamane, Yukie Nakama, at Koji Yamamoto* | Puti | ||
57 | 31 Disyembre 2006 | Yukie Nakama | Masahiro Nakai | Tamio Miyake & Megumi Kurosaki | Puti |
* Hanggang sa ika-55(2004) Kohaku, binubuo ang pangkat ng mga host ng isang host para sa Pulang pangkat, isang host para sa Puting pangkat, at isa o dalawang tagapamagitan. Ngunit sa ika-56(2005) na Kohaku, nawala ang papel ng mga ito sapagkat nakikisalamuha ang apat na host sa bawat pangkat. Ibinalik ang Pulang host, Puting host, at mga tagapamagitan sa ika-57(2006) Kohaku.
[baguhin] Kasikatan
Pinakapinapanood na palabas sa telebisyon ang Kohaku. Malaking dahilan nito ang pagiging pista-opisyal ng bisperas ng Bagong Taon(Omisoka) kung saan tradisyunal na sinasalubong ng bawat pamilya ang Bagong Taon sa kanilang mga tahanan. Sa paglipas ng mga taon, bumaba ang kasikatan ng Kohaku mula sa pinakamataas na ratings na 81.4% (ika-14) hanggang 30.8/39.3% (ika-55), kahit sa rehiyon ng Kanto. Sa kabila nito, ang Kohaku pa din ang pinakamataas na ratings na palabas ng taon. Masayang ibinalita ng pangulo ng NHK na si Genichi Hashimoto noong Enero 2007 na umakyat sa 47% ang kabuuang pambansang ratings ng Kohaku, marahil sa tema ng ika-57 edisyon na nagdudugtong ng mga laktaw ng henerasyon sa mga pamilya.
[baguhin] Mga Katala-talang Pagtatanghal ng J-Pop
- Aiko
- Angela Aki
- Ami Suzuki
- Aya Matsuura
- Ayumi Hamasaki
- Chemistry
- Da Pump
- Dreams Come True
- Every Little Thing
- Gackt
- globe
- Kishidan
- Ken Hirai
- hitomi
- Kumi Koda
- L'Arc-en-Ciel
- m-flo
- MAX
- Mika Nakashima
- Morning Musume
- Namie Amuro
- SMAP
- T.M.Revolution
- TOKIO
- WaT
- w-inds.
- X Japan
- Yuna Ito
[baguhin] Mga Katala-talang Dayuhang Pagtatanghal sa Kohaku
Bagaman karamihan sa mga mangaawit sa Kohaku ay mga Hapones, may ilan pa ding mga dayuhang mangaawit ang nakakapagtanghal sa palabas. Karamihan, ay galing sa mga kalapit-bansa ng Hapon. Narito ang listahan ng mga dayuhang nakapagtanghal:
Asyano
- Friends of Love the Earth (tampok sa ika-56)
- RYU (tampok sa ika-55)
- Lee Jung-hyun (tampok sa ika-55)
- BoA (tampok mula ika-53 hanggang ika-56, magtatanghal sa ika-57)
- Twelve Girls Band (tampok sa ika-53)
- Black Biscuit (tampok sa ika-49)
- Kye Eun-sook (tampok mula ika-39 hanggang ika-45)
- Kim Yon-ja (tampok sa ika-40 at ika-45)
- Smokey Mountain (tampok sa ika-42)
- Teresa Teng (tampok sa ika-36, ika-37, at ika-42)
- Oyunna (tampok sa ika-41)
- Gary Valenciano (tampok sa ika-41)
- Cho Yong-Pil (tampok sa ika-38, ika-39, at ika-41)
- Patty Kim (tampok sa ika-40)
- Alan Tam (tampok sa ika-40)
- Judy Ong (tampok sa ika-30 at ika-31)
- Agnes Chan (tampok mula ika-24 hanggang ika-26)
Hindi Asyano
- Alfredo Casero (tampok saika-53)
- Sarah Brightman (tampok sa ika-42)
- Andy Williams (tampok sa ika-42)
- Cyndi Lauper (tampok sa ika-41)
- Alyson Williams (tampok sa ika-41)
- Alexander Gradsky (tampok sa ika-41)
- Paul Simon (tampok sa ika-41)
- Mickey Curtis (tampok sa ika-11)