Ebolusyon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang ebolusyon ay ang unti-unting pagbabago ng mga minanang katangian ng mga hayop at halaman sa iba't ibang henerasyon. Ang mga katangiang ito ay nakalagay sa mga gene na kinokopya at ipinapasa sa kanilang mga anak sa reproduksyon. Ang mga pagbabago sa mga gene na ito ay maaaring makagawa ng mga bago at pinalitan na mga katangian, na nagdudulot ng pagkakaiba sa pagitan ng mga organismo. Ang ebolusyon ay nagaganap kung ang iba't ibang mga katangian ay nagiging pangkaraniwan o bihira sa isang populasyon. Maaari itong maganap sa pamamagitan ng genetic drift, o sa pamamagitan ng kahalgahan ng mga katangiang reproduktibo sa pamamagitan ng natural na seleksyon.