Panitikan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[1]
[baguhin] Etimolohiya
Mula ang salitang panitikan sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik.
Iba pang salitang tumutukoy dito ay ang literatura na mula naman sa salitang Latin na littera, nangangahulugang ‘titik’. ito rin ay nagsasalaysay ng mga dula tula Maikling kuwento at iba pa.,
[baguhin] Uri ng panitikan
May dalawang primaryang uri ng panitikan:
- Tuluyan o Prosa: maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
- Patula o Panulaan: pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma. Ito ay naipapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig a pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
[baguhin] Mga pagbanggit
- ↑ Panitikan ng Pilipinas, Consolacion P. Sauco, Nenita P. Papa, Jeriny R. Geronimo