Wikang Katalan
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Katalan (Katalan: català; bigkas [ka·ta·lá]) ay isang wikang Romans. Ito ang opisyal na wika ng Andorra at kapwa-opisyal sa mga awtonomong pamayanang Kastila ng Kapuluang Balear at Catalunya. Kapwa-opisyal din ito sa Pamayanang Valenciano, kung saan tinatawag itong Balensyano (Katalan: valencià; bigkas [va·len·syá]). Ang Espanya ang may pinakamaraming pang-araw-araw na tagapagsalita ng Katalan. Sinasalita ito ng mahigit-kumulang 9 milyong tao na naninirahan hindi lamang sa Andorra at Espanya kundi rin sa France at Italya.