Thailand
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Motto: none | |
Pambansang awit: Phleng Chat | |
Kabisera | Bangkok 13°44′ N 100°30′ E |
Pinakamalaking lungsod | Bangkok |
Opisyal na wika | Thai |
Pamahalaan | Monarkiyang konstitusyunal |
Hari Punong Ministro |
Bhumibol Adulyadej Surayud Chulanont |
Kalayaan • Sukhothai kingdom • Ayutthaya kingdom • Taksin • Chakri dynasty |
mula sa Khmer Empire 1238–1368 1350–1767 1767–Abril 7, 1782 Abril 7, 1782–kasalukuyan |
Lawak | |
- Kabuuan | 514,000 km² (49th) |
- Tubig (%) | 0.4% |
Populasyon | |
- Taya ng 2005 | 65,444,371 (19th) |
- Sensus ng 2000 | 60,916,441 |
- Densidad | 127/km² (59th) |
GDP (PPP) | Taya ng 2005 |
- Kabuuan | $559.5 billion (20th) |
- Per capita | $8,542 (72nd) |
Pananalapi | ฿ Baht (THB ) |
Sona ng oras | (UTC+7) |
- Summer (DST) | (UTC+7) |
Internet TLD | .th |
Kodigong pantawag | +66 |
Ang Kaharian ng Thailand ay isang bansa sa Timog-silangang Asya, napapaligiran ng Laos at Cambodia sa silangan, the Gulpo ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang Mayo 11, 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai - na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Instik, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kasaysayan
Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang mga kultura na umusbong sa Thailand simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.
Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 - hanggang ika-15 siglo.
Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharina ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayuthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.
Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayuthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Thailand sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.
Ang kapangyarihang Europeo ay simulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Thailand ay nag-iisaang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Thailand ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.
Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Thailand ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Thailand ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod sunod na kudeta, ngunit natuloy din ito sa demokrasya noong 1980.
Noong 1997, ang Thailanday tinamaan ng krisis pinansyal ng Asya ay ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na baht noong bago pa ang krisis.
[baguhin] Pagkakahating Administratibo
- Pangunahing artikulo: Subdibisyon ng Thailand
Ang Thailand ay nahahati sa 76 lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. May 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya, na ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Tahi ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 lalawigang bansa ang Thailand.
Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 maas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Nakhon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:
[baguhin] Gitnang Thailand
- Ang Thong
- Phra Nakhon Si Ayutthaya
- Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon), Espesyal na pinamamahalang Distrito [1]
- Chai Nat
- Kanchanaburi [2]
- Lop Buri
- Nakhon Nayok
- Nakhon Pathom [1]
- Nonthaburi [1]
- Pathum Thani [1]
- Phetchaburi [2]
- Prachuap Khiri Khan [2]
- Ratchaburi [2]
- Samut Prakan [1]
- Samut Sakhon [1]
- Samut Songkhram [2]
- Saraburi
- Sing Buri
- Suphan Buri
[baguhin] Silangang Thailand
- Chachoengsao
- Chanthaburi
- Chonburi
- Prachinburi
- Rayong
- Sa Kaeo
- Trat
[baguhin] HIlagang Thailand
- Chiang Mai
- Chiang Rai
- Kamphaeng Phet
- Lampang
- Lamphun
- Mae Hong Son
- Nakhon Sawan
- Nan
- Phayao
- Phetchabun
- Phichit
- Phitsanulok
- Phrae
- Sukhothai
- Tak
- Uthai Thani
- Uttaradit
[baguhin] Hilagang Silangang Thailand
- Amnat Charoen
- Buri Ram
- Chaiyaphum
- Kalasin
- Khon Kaen
- Loei
- Maha Sarakham
- Mukdahan
- Nakhon Phanom
- Nakhon Ratchasima
- Nong Bua Lamphu
- Nong Khai
- Roi Et
- Sakon Nakhon
- Si Sa Ket
- Surin
- Ubon Ratchathani
- Udon Thani
- Yasothon
[baguhin] Timog Thailand
- Chumphon
- Krabi
- Nakhon Si Thammarat
- Narathiwat
- Pattani
- Phang Nga
- Phatthalung
- Phuket
- Ranong
- Satun
- Songkhla
- Surat Thani
- Trang
- Yala
Mga bansa sa Timog-silangang Asya |
---|
Brunei | Cambodia | East Timor | Indonesia | Laos | Malaysia | Myanmar | The Philippines | Singapore | Thailand | Vietnam |