Bakterya
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang bakterya ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mga organismo. Sa iba't ibang paglalapat, tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mga prokaryote o sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag na yubakterya (eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong kaisipan) ang Archaea. Bakteriyolohiya, isang sangay ng mikrobiyolohiya, ang tawag sa pag-aaral mga bakterya.
Bakterya ang pinakamarami sa lahat ng mga organismo. Malawakang silang makikita sa lupa, tubig at bilang mga symbiont ng ibang organismo. Maraming mga pathogen, mga organismong nagdudulot ng sakit, ay bakterya. Napakaliit ng karamihan, kadalasang nasa 0.5-5.0 μm ang kanilang pinakamahabang dimensyon, bagaman maaaring lumaki ang higanteng bakterya katulad ng Thiomargarita namibiensis at Epulopiscium fishelsoni sa 0.5 mm ang laki. Mayroon silang mga selulang pader (cell wall), katulad ng mga selula (cell) ng halaman at amag, ngunit binubuo ng peptidoglycan ang mga selulang pader ng bakterya.