Elizabeth II ng Kahariang Nagkakaisa
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Kanyang Kamahalan Reyna Elizabeth II(Ingles: Her Majesty Queen Elizabeth II of United Kingdom) (Elizabeth Alexandra Mary Windsor), ipinanganak noong Abril 21 1926, ay ang Reyna ng labing-anim na mga malalayang mga bansa na tinatawag na Commonwealth Realm. Ang mga bansang ito ay United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Canada, Australia, New Zealand, Jamaica, Barbados, Bahamas, Grenada, Papua New Guinea, ang Mga Pulo ng Solomon, Tuvalu, Saint Lucia, Saint Vincent and the Grenadines, Antigua and Barbuda, Belize, at Saint Kitts and Nevis.