Canada
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Motto: A mari usque ad mare (Latin: Mula dagat hanggang dagat) |
|
Pambansang awit: O Canada | |
Kabisera | Ottawa 984 670) 45°24′ H 75°40′ K |
Pinakamalaking lungsod | Toronto |
Opisyal na wika | Inggles at French |
Pamahalaan | Monarkiyang konstitusyonal |
Pinuno ng Estado Gobernador Heneral Punong Ministro |
Elizabeth II Michaëlle Jean Stephen Harper |
Kalayaan - BNA Act - Statute of Westminster - Canada Act |
Hulyo 1, 1867 Disyembre 11, 1931 Abril 17, 1982 |
Lawak | |
- Kabuuan | 9 984 670 km² (Ika-2) |
- Tubig (%) | 8.62% |
Populasyon | |
- Taya ng Hulyo 2005 | 32 233 955 (Ika-35) |
- Sensus ng 2001 | 30 007 094 |
- Densidad | 3.5/km² (Ika-222) |
GDP (PPP) | Taya ng 2005 |
- Kabuuan | US$1.318 trilyon (Ika-11) |
- Per capita | US$37 412 (Ika-5) |
Pananalapi | Dolyar Canadian (CAD ) |
Sona ng oras | (UTC-3.5 hanggang -8) |
- Summer (DST) | ? (UTC?) |
Internet TLD | .ca |
Kodigong pantawag | +1 |
Ang Canada ay isang bansa sa Hilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat (kasunod ng Rusya).
Ang mga opisyal na wika ng Canada ay Inggles at Pranses.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pamahalaan
Ang Canada ay nasa uri ng monarkiyang konstitusyunal na ang pinuno ng estado ay si Reyna Elizabeth II, at parlyamentaryong demokrasya na may sistemang federal ng pamahalaang parlyamentaryo at may matibay na tradisyong demokratiko.
Ang posisyong ng Punong Ministro, ay ang pinuno ng pamahalaan ng Canada, na nanggagaling sa nagungunang partido pulitikal na kayang makakuha ng tiwala sa karamihan ng Bahay ng mga Pangkaraniwan. Ang Punong Ministro at ang kanilang Gabinete ay pormal na itinatalaga ng Gubernador Heneral (na tagapagpanggap ng Canada sa monarkiya). Subalit, kapag ang Punong Ministro ay pumili ng gabinete, at ng konbensyon, ang Gubernador Heneral ay irerespeto ang mga napili ng Punong Ministro. Ang gabinete ay nakasanayang kunin sa mga kasapi ng partido kung saan galing ang Punong Ministro kahit saan sa lehislatura, at kadalasan ay sa Bahay ng mga PangKaraniwan. ang kapangyarihang Ehekutibo ay pinaiiral ng Punong Ministro at ng Gabite, at lahat sila ay manunumpa sa sa pribadong konseho ng Reyna para sa Canada, at magiging Ministro ng Korona. Ang Punong Ministro ay may malawak ng kapangyarihang pulitikal, lalong lalo na sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaan at ng paglilingkod sibil. Si Michaëlle Jean ay nagsilbing Gubernador Heneral simula noong Setyembre 25, 2005, at si Stephen Harper, pinuno ng Partido Konserbatibo, ay nagsisilbing Punong Ministro simula noong Pebrero 6, 2006.
Ang parlyamentaryong federal ay binubuo ng Reyna at ng dalawang bahay: ang mga nahalal na Bahay ng mga Pangaraniwan at ng naitalagang Senado. Bawat kasapi ng Bahay ng mga Pankaraniwan ay inihahalal sa simpleng paramihan ng boto sa distritong elektoral; ang pangkalahatang halalan ay pinapatawag ng Gubernador Heneral kung kailan ito ipapayo ng Punong Ministro. Dahil walang minimum na termino para sa parlyamento, dapat magkaroon ng bagong halalan sa loob ng limang taon ng huling pangkalahatang halalan. Ang mga kasapi ng Senado, na ang mga puwesto ay itinalaga sa baseng rehiyonal, ay ay pinipili ng Punong Ministro at pormal na itinatalaga ng Gubernador Heneral, at maglilingkod hanggang sa edad na 75.
Ang apat na pangunahing partido pulitikal sa Canada ay ang Partido Konserbatibo ng Canada, Partido Liberal ng Canada, Partido Bagong Demokratiko, at ang Bloc Québécois. Ang kasalukuyang pamahalaan ay binubuo ng partido konserbatibo ng Canada. Ang Partido Luntian ng Canada at ang iba pang maliliit na partido ay kasalukuyang walang tagapagpanggap sa Parlyamento.
[baguhin] Pagkakahating Administratibo
Ang Canada ay binubuo ng sampung lalawigan at tatlong teritoryo, ang mga lalawigan ay ang Alberta, British Columbia, Manitoba, New Brunswick, Newfoundland at ang Labrador, Nova Scotia, Ontario, Isla ng Prince Edward, Quebec, at ang Saskatchewan. Ang tatlong teritoryo ay ang Hilagang-kanlurang Teritoryo, Nunavut, at ang Yukon Territory. Ang mga lalawigan ay may mas malaking antas ng autonomiya sa pamahalaan federal, at mas kakaunti sa mga teritoryo. Ang bawat isa ay may kanya kanyang panglalawigang o pang-teritoryal na simbolo.
Responsibilidad ng mga lalawigan ang halos lahat ng mga programang panlipunan (tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at kagalingan) at sama-samang kumukulekta ng mga kita kaysa sa pamahalaang parlyamentaryo nito, isang kakaibang istraktura ng pederasyon sa daigdig. Gamit ang kapangyarihan nitong gumasta, ang pamahalaang federal, ay magsasagawa ng mga pambansang alituntunin sa mga lalawigan, tulad ng Canada Health Act; ang mga lalawigan ay maaaring pumili sa mga ito ngunit, bibihira ang nagsasagawa nito. Patas na pagbabayad ang ginagawa ng pamahalaang federal upang matiyak nito na mapapanatiling pantay pantay at wasto ang paglilingkod at pagbubuwis sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na lalawigan ng bansa.
Ang lahat ng lalawigan ay may sistemang unicameral, at naghahalal ng lehislatura na pinamumunuan ng Premier na pinipili tulad ng Punong Ministro ng Canada. Bawat lalawigan ay may kanya kanyang mga Tenyente-Gubernador na tagapagpanggap ng Reyna, tulad ng Gubernador Heneral ng Canada, sila ay itinatalaga sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Punong Ministro ng Canada, subalit sa mga nakalipas na taon ay tumataas ang antas ang pagsangguni sa pamahalaang panlalawigan.
[baguhin] Heograpiya at Klima
Ang Canada ay sumasakop sa halos lahat ng hilagang bahagi ng Hilagang Amerika. Kahati nito ng hangganan ang Estados Unidos sa katimugan at ang estado ng Alaska ng EU sa hilagang kanluran, at pahaba mula sa Karagatan ng Canada sa silangan at ang karagatan ng Pasipiko sa kanluran; sa hilaga naman ay ang karagatang Arctic.
Magkakaiba ang sukat ng temperatura ng tag=lamig at tag-init sa bawat bahagi ng Canada. Ang Tag-lamig ay maaaring maging malupit sa maraming bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga lalawigang Prairie, na ang kadalasang temperatura araw-araw ay malapit sa −15°C (5°F) ngunit maaari pang bumaba sa -40°C (-40°F) at may malakas na malamig na hangin. Ang baybaying British Columbia ay naiiba dahil wasto lamang ang klima nito na may malumanay at maulan na tag-lamig.
[baguhin] Lingks palabas
Mga lalawigan at teritoryo ng Canada | |
Mga lalawigan: British Columbia | Alberta | Saskatchewan | Manitoba | Ontario | Québec | New Brunswick | Nova Scotia | Prince Edward Island | Newfoundland and Labrador | |
Mga teritoryo: Yukon | Northwest Territories | Nunavut |