Ilog
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang isang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o mga koleksyon ng maliit na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil sa mga karagatan.