Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Unyon ng Myanmar (internasyunal: Union of Myanmar), dating Kaisahan ng Burma, ay ang pinakamalaking bansa (sa sakop pang-heograpiya) sa lupaing nasa loob ng kontinente ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ng Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa timog-silangan, Bangladesh sa kanluran, at Indya sa hilaga-kanluran, kasama ang Dagat Andaman sa timog, at ang Look ng Bengal sa timog-kanluran (sa kabuuang mahigit sa 2,000 kilometrong baybaying-dagat).