Unang Digmaang Pandaigdig
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang artikulong ito ay isa sa mga pahinang nangangailangan ng atensyon. Mangyaring ito ay ituwid sa paraang nararapat. |
Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I, na kilala din sa tawag na First World War, the Great War, the War of the Nations, and the "War to End All Wars", ay naganap noong 1914 hanggang 1918. Walang ibang sigalot bago ito ang nagtakda ng napakaraming sundalo o nagkaroon ng mga naging bahagi na mga tao. Dito unang gumamit ng mga sandatang kemikal.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Intro:
Unang Taon: Nagtagumpay ang Germany, kasama ang Central Powers. Ang Gitnang-Silangang bahagi ng Asia ay kontrolado ng Central Powers, na mahalaga sa gitna ng panahon ng digmaan.
Mahigpit ang depensa ng dalawang bansa, kung kaya't naging mahigpit ang labanan.
Ginamit ng Great Britain ang lakas-pandagat upang makidigma sa Europe at Silangan. Tumulong ang sundalong canada, Australia, South Africa at New Zealand. Naharangan ang daang tubig ng Germany upang di makakuha ng suplay ng tubig at pagkain. Gumamit ng mga submarino ang Germany upang palubugin ang plota ng Ingles.
"mga salik sa pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig"
- sistema ng mga Alyansa
- Militarismo
- Pag-aagawan sa kolonya
- Nasyonalismo
Iba't-ibang Labanan
Ninais ng Germany ang madaliang tagumpay. Pinasok nila ang Hilagang France, ngunit nahadlangan din sila sa Labanang Marne.
Hinadlangan naman ng mga German ang pagsalakay ng Russia sa Tannenburg Nagtagumpay ang Germany laban Sa Russia sa labanan sa lawa ng masurian. Ngunit Bigo silang lupigin ang warsaw dahil sa kakulangan ng hukbo Gumanti ang Russia ngunit nabigo
Dahil dito nagbunga ang Rebolusyong Russo Napatalsik ang otokratikong tsar at pumalit ang Pamahalaang Bolshevik Lumagda ng isang kasunduang pangkapayapaan sa labanan sa Jutland tinalo ang plota ng British ng plota ng Germany
Ang America
Isang nutral na bansa ang U.S. ng magsimula ang unang digmaan pandaigdig. Naging tagatustos ito ng pagkain hilaw na materyales at armas sa magkabilang kampo Ngunit di nagtagal at sa allies na lamang sila makipagnegosasyon Sinalakay ng Aleman ang bapor ng mga bansa sa katubigan ng Britain, France at Italy Nadamay ang US
Nagpadala ng Telegrama ang Germany sa Mexico upang umanib ito kapalit ang ilang pulo Hinarangan ng England ang liham at dinala ito sa Washington Nagalit ang US at pinalala ang digmaan
Sa pagbagsak ng mga tsar sa Russia, mga pangunahing bansang kaanib sa allied ay handang tanggapin ang hamon ng US at ibang bansa
Hiniling ng pangulo ng US ang digmaan laban sa central powers at pinayagan ng Kongreso
Huling Pananalakay ng Germany
Ang pagbagsak ng tsar sa Russia ang nagbigay sa Germany ng pagkakataon upang sakupin ang buong Russian Poland
Nasakop ang Lithuania, Estonia at ang Ukraine. Inilipat ng Germany ang kanyang mga kawal sa kanlurang Europe ng bumagsak ang Russia.
Allied Powers
Ang grupong ito ay binubuo ng mga bansang Pransya, Russia, British Empire, Italy at ang United States Of America. Ang grupong ito ay maari rin itawag sa Entente Powers o The Triple Entente