Alpabetong Siriliko
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang alpabetong Siriliko (o azbuka, mula sa mga lumang pangalan ng mga unang titik) ay isang alpabetong ginagamit sa pagsusulat ng anim na natural na wikang Slavonic (Belarusian, Bulgaro, Masedonyo, Ruso, Serbyo, at Ukrainian) at ng mga iba’t iba pang wika ng dating Unyong Sobyet, Asya, at silangang Europa. Ginamit rin dati ang alpabetong ito para sa mga iba pang wika. Hindi lahat ng mga titik sa alpabetong Siriliko ay ginagamit sa isa't-isang wika na nakasulat kasama ang alpabetong ito.