Hesus
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Bahagi ito ng serye hinggil sa Kristyanismo |
|
![]() |
|
Kasaysayan ng Kristyanismo |
|
Trinidad |
|
Bibliya |
|
Teolohiyang Kristyano |
|
Simbahang Kristyano Mga denominasyong Kristyano |
Si Hesus ay isang Hudyo na nabuhay sa pagitan ng mga taong 2 B.C.E.- 33 C.E. sa Palestina (kasalukuya'y Israel) at ang sentrong katauhan ng Kristyanismo. Ang apat na Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan ang mga pangunahing sanggunian tungkol sa kaniyang buhay at mga turo. Itinuturing siya bilang Diyos ng mga Kristiyano, subalit hindi para sa ilang mga pangkat.
[baguhin] Pangalan
Ang pangalang Hesus ay mula sa Wikang Hebreo: ישו, Yeshua,,na ang kahulugan ay "Nagliligtas ang Diyos. Kilala rin siya bilang Hesus ng Nasaret/Hesus Nasareno (Hebreo: ישוע הנוצרי, Yeshu‘a haNoẕri). Ang Hesus na ginagamit ay mula sa Wikang Griego na pagbigkas sa pangalan niya, at tuluyang naging Hesus. Kilala rin siya bilang Hesukristo sa karamihan ng mga Kristyanong naniniwalang siya ay ang Kristo, o ang Mesiyas, "the anointed one".
[baguhin] Pagsilang at kabataan
Si Hesus ay ipinanganak noong 2 B.C.E. sa bayan ng Bethlehem sa Judea, isang lugar sa may gawing timog ng lungsod ng Jerusalem.