Lungsod ng Athína
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
- Para sa diyosa, tingnan ang Athena.
Ang Athína (Greek: Αθήνα; Inggles: Athens, pinakamalapit na bigkas /á·tenz/) ang punong lungsod ng Greece. Isa itong malaki at kosmopolitan na lungsod na noong sinaunang panahon ay isa ring makapangyarihang lungsod-estado at bantog na sentro ng pag-aaral. Ipinangalan ito sa patron nitong diyosang si Athena. Matatagpuan ito sa 38°00′ H 23°43′ S.