Lungsod ng Jerusalem
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Jerusalem (31°46′ N 35°14′ E; Ebreo: ירושלים, Yrushalayim; Arabo: أورشليم, Urshalim) ay isang lungsod sa Israel na kinahahalagahan at ng mga relihyon ng Hudaismo at Kristyanismo. Iilang mga pook din sa lungsod ang itinuturing na mahalaga sa relihyong Islam. Ang Jerusalem ang opisyal na kabisera ng Israel at ang kinaroroonan ng residensyang pampangulo, mga tanggapan ng pamahalaan, at ng Knesset. Hindi ito kinikilala ng mga bansang Arabo at dahil dito itinatayo ng mararaming bansa ang kanilang mga embahada sa mga suburbyo o sa iba pang pangunahing lungsod tulad ng Tel Aviv-Yafo, Ramat-Gan, Herẕliyya, at kung saan pa upang maiwasan ang mga alitang pampolitika.
Inaangkin din ng mga Palestino ang bahagi o ang buong lungsod bilang kabisera ng isang magiging estadong Palestino. Gayumpaman, argumento ng mga Hudyo at ng mga iba pa na ang ganitong klaseng panukala ay baligho sapagkat, di-tulad ng Hudaismo na itinuturing na banal ang lungsod mismo, ikinikilala lamang ng Islam na banal ang iilang mga pook sa lungsod at hindi nagkaroon ng tunay na kahalagahan ang lungsod sa kasaysayan ng relihyong ito.
[baguhin] Mga lingk palabas
- Ang Batas internasyonal ukol sa Lupain ng Israel at Jerusalem, artikulo ni Elliott A. Green na unang inilathala sa Midstream (New York)
- One Jerusalem, kilusang hangad ang pagpapanatiling-isa ng Jerusalem