Mahatma Gandhi
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Mohandas Karamchand Gandhi (Gujarati: મોહનદાસ કરમચંદ ગાંધી) Oktubre 2 1869 – Enero 30, 1948) ay isang pangunahing politikal at espirituwal na pinuno sa Indya, at ng kilusang pagpapalaya sa Indya. Siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa (ang kabuang kawalan ng karahasan), na nagdulot sa pagiging malaya ng Indya, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo. Kadalasang kilala si Gandhi at ginagalang sa Indya at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi (mula sa Sanskrit, Mahatma: Dakilang Nilalang) at bilang Bapu (sa maraming mga wikang Indyan Indian languages, Ama).