Fidel Castro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Fidel Castro Ruz (ipinanganak Agosto 13, 1926) ay namamahala ng Cuba simula pa noong 1959, kung saan noong panahong iyon, pinamunuan Kilusang ika-26 ng Hulyo, pinatalsik niya ang rehimen ni Fulgencio Batista, at binago ang anyo ng Cuba sa kauna-unahang estadong komunista sa Kanlurang Hemisperyo.
Unang nagkaroon ng atensyon kay Castro ang buhay politika sa Cuba sa pamamagitan ng kanyang aktibismo bilang mag-aaral; ang prangka niyang nasyonalismo at radikal na pagpuna kay Batista at impluwensiya ng Estados Unidos sa Cuba ang nagdala ng pagtanggap, kritisismo, at atensyon mula sa mga awtoridad. Sa bandang huli, ang kanyang mga pag-atake sa Baraks ng Moncada, at mga sunod-sunod na pagtapon sa kanya, at ang guerillang pagsakop sa Cuba noong Disyembre 1956 ang nagtatak sa kanyang katanyagan sa buong mundo. Simula nang umakyat sa kapangyarihan noong 1959, naging mas kontrobersyal, at maimpluwensiya, na pinainit ang maraming pagkondena, paghanga, at pagtatalo.
Sa internasyunal na relasyon, nagbunga ang kanyang pamumuno ng mga tensyon sa Estados Unidos (umabot sa rurok noong Krisis ng Misil sa Cuba) at isang malapit na samahan sa Unyong Sobyet. Sa pamumuno ng Cuba, pinamahalaan niya ang implementasyon ng radikal na reporma pang-lupa na sinundan ng kolektibisasyon ng agrikultura, nasyonalisasyon ng mga nangungunang industriya sa Cuba (nasa ilalim ng Estados Unidos ang ilan), at mga programang panlipunan na pinamulaan ang pangkalahatang pag-ingat sa kalusugan at pinalawak ang walang bayad na pampublikong edukasyon. Nagkaroon ang pamahalaan ni Castro ng malawak na suporta sa mga taga-Cuba sa simula ngunit inalayo ang kalooban ng maraming gitna at mataas na uri ng lipunan habang ang bagong pamahalaan ay ginawang pambansa ang mga industriya, pinigilan ang lahat ng partidong oposisyon, at tinakdaan ang pangingibang bayan
Kapag namatay o nagkaroon ng matinding sakit, mapupunta ng legal ang pamamahala ni Castro kay Bise Presidente Raúl Castro, ang kanyang kapatid.